Saturday, January 19, 2013

"Ganyan kalupit ang buhay.."

-Re-post from my multiply blog.

I just realized I've been cursing my job description few years ago. I never liked what I do. This is not the career I dreamt of, I only have a job, not a career. I wanted to have a career I can be proud of eversince. But my need to be compensated well enough in this industry prevented me from shifting jobs. The thought of it saddens me. People tell me I'm too smart for this kind of job.. Had I left this industry years back when I was being offered the best deals, I wouldn't feel an ounce of regret for not even trying. I was too scared. I guess, the only consolation left of me is that I can give my son a better life with the job that I have right now, I am able to send my brother to school, I can buy nice things for myself and my son, I can feed my family of 5 and the list goes on. I still have million other things I'm grateful for. I
Not that I'm regretting, I guess it's more of.. "I wish I tried while I still can..."

So to youngsters out there.. Try new things and dont be scared. When you finally have a family of your own, there are some things that you cant do anymore because your decision may change the life of your most beloved ones. :)   

                                    ********************************

"Ganyan kalupit ang buhay"..   

- quoted from: "isa sa mga nakasakay ko sa dyip kanina".

Sa mga nagdaang araw, naging masyado akong mapagmasid sa lahat ng nangyayari sa aking paligid. Mula sa kaliit liitang bagay hanggang sa malalawak na isyu na kinakaharap ng kung sino man. Marahil ang tanging panahon ko na lamang para gawin ito, ay sa tuwing nasa biyahe ako..maaaring kung pupunta o papasok sa unibersidad man o sa trabaho. Maraming bagay akong napapansin..maraming bagay ang nagdadala ng lungkot sa akin..marami din namang simpleng bagay ang nagpapangiti sa akin. Nitong mga nagdaang araw, kakaiba ako bilang tao: bilang estudyante, anak, empleyado, kaibigan, babae, kabilang ang lahat ng mga tungkuling aking ginagampanan.

Habang nasa byahe papuntang trabaho, nananahimik ako sa dulo ng pampasaherong dyip, nakatingin sa kumpol ng estudyanteng nagtatawanan. Napakasaya nilang tingnan. Napapangiti pa nga ako sa bawat batuhan nila ng salita. Unti unti ng bumaba ang magkakaibigan..sa isang lingat, 4 na lamang kaming natira sa sasakyan. Naguusap silang tatlo...sabi ng isa.. "Pare, maglalakad ka pauwi o magttricycle ka?" sagot ng isa... "magsiside-car ako"..., "Magkano na ba sa side car ngayon?", tanong ng isa.. "4 na piso lang binabayad ko..tangna..ang taas non...ayaw na nga akong isakay e.." Sumagot yung isa.."gago ka..ang hirap don..lakarin nga nahihirapan na tayo, padyak pa kaya..."
"Pare, ganyan kalupit ang buhay (sabay tawa)"..

--------------------------------------------------------------------------------------------
Napaisip ako bigla...Matagal na pagpadyak...matagal tagal na pagaantay ng pasahero..4 na piso lang makukuha nya? pucha...2 yosi lang saken yun e...dun ko napagtanto...ano nga ba ginagawa ko ngayon? may karapatan ba kong magreklamo sa bigat ng mga dinadala kong problema? may karapatan ba akong masaktan sa mga bagay na para sa iba ay kababawan lamang? Madalas nga natatawa na lang ako sa sarili ko..maliit na bagay, iniiyakan ko...maliit na pagkabigo..dinadala ko hanggang sa kung kelan ko kaya..totoo...hindi ako madaling makalimot.HINDE.

Binabayaran ako sa ginagawa ko. Nakaupo ng ilang oras? 8? Kadalasan pa nga...sa 8 oras na yun...kailangan mong ihanda ang sarili mo sa masasakit na bagay na maaaring isambit ng mga taong hindi mo kilala...mga taong kinakausap mo dahil yun ang trabaho mo. Sabi ng mga kasamahan ko sa trabaho.. wag kong personalin..binabayaran ako sa ginagawa ko..e ano ngayon kung murahin nila ako..e ano ngayon...ang problema? hindi ko maihiwalay ang sarili ko sa kung ano man ang ginagawa ko...ngayon, tanong ko sayo...may karapatan ba akong magreklamo?

Kadalasan din naiisip ko...marahil mas mataas pa ang pinag-aralan ko sa mga taong kung magsalita akala mo pagaari nila ang mundo...pero bakit ako nandito? Hindi ko pa alam. Pera? siguro...Hanggang kelan ako mananatili sa ganitong pagdadahilan? hanggang kelan ko iisiping yun lang ang dahilan? kelan ko lubos na mauunawaan na may halaga ang ginagawa ko? Kelan?
Darating pa kaya ang araw na yun? hindi ko alam.



No comments: